Friday, June 01, 2007

I need friends...

Another lonely afternoon... Grabe naguguluhan ako! Matutuloy ba oh hindi?! Nakakahiya naman kasi sa kanya. Nagimbita siya pero wala palang pupunta. Pangit nun db?! Ayaw ko namang ako lang ang pupunta. So far, ako pa lang kasi ang pwedeng-pwede. Sana naman magsalita na yung iba... Hindi ko na kasi talaga alam kung ano ang gagawin ko!

Haaay... Timang din ako eh noh?! Sabi ko sa sarili ko, kailangan mawala na ang feelings ko para sa kanya at ang tanging paraan para magawa ko yun eh lumayo sa kanya. Yung tipong hindi ko dapat siya makita hanggang mawala yung feelings ko sa kanya. Pero ano ginagawa ko ngayon? Ako ang punong-abala para lang merong pumunta sa kanila... Grabe! Sa totoo lang nahihirapan na talaga ako... *tears*

Kagabi, naka-text ko si Meg. Nai-share ko sa kanya ang pinagdadaanan ko ngayon. In fairness, meron akong sinabi sa kanya na hinding-hindi ko malilimutan. Sabi ko sa kanya: "Kailangan lang mawala nitong feelings ko towards him... This feeling complicates everything... Pero just to clarify things, feelings lang ang gusto ko mawala, hindi siya. It would be best for me if I have him as a friend (friend lang -- pwedeng close friend) than not having him at all...". Nagpapasalamat din ako sa friend ko na ito kasi she made me realize that I'm a wonderful person. sabi nya sa akin, "I'm lucky to have you as a friend because you are wise + matured...". Nakakataba ng puso pakinggan. But still, at hindi ko rin maintindihan ang sarili, kung bakit ako ganito. Meron naman akong kaibigan na katulad nila at nandito ako nagpapaka-malungkot.

Sana talaga matapos na itong pinagdadaanan ko. Hindi ko talaga alam kung ano'ng kailangan ko ngayon. Do I need closure? Kailangan ko ba sabihin sa kanya? Do I need to lose the feeling or the feelings and him in my life? I don't know? I'm so confused! Never did I imagine that I would be stuck in this kind of situation. Jumping out of misery was never really my thing, so I'm still trying to scrutinize everything. Everything is just so complicated, everything is just so wrong. I wish I could just simplfy this in juts a snap and stop this hurting feelings. Maybe, right now, I need friends whom I can lean on to, whom I can cry my heart out to, who can just cheer me up, put a smile on my face, or better yet, make me laugh. I need a hug. *tears*

2 comments:

Anonymous said...

EYE OPENER: the way to get over to somebody is to STOP LOVING THAT PERSON :)

Anonymous said...

Well said.